I was on a cab going to MOA when I saw this weird yellow taxi with a big cross on top. So dahil usisera ako, I asked the driver..
Me: Manong, ano yun? Bakit may ganon sya? *points at the weird cross on top*
Driver: Ah yan ba? Cross yan ma’am. May story yan eh. Kasi dati, maliit lang yang cross na yan. Nakasabit pa yan dati dito *points at the center mirror*
Eh nahold-up yang taxi na yan, so bumili siya ng mejo malaki na cross, pero nakasabit pa rin dito *points at the center mirror again*
Tapos na-hold-up ulit siya. Kaya ayan, malaki na ipinagawa niyang cross, at inilagay na nya sa bubong.
Me: okaaaaaaaaaay. *sabay tawa*
Hindi ko talaga alam kung matatawa or maaawa ako dun sa taxi driver. :P
At dahil busy sa pagkukwento si manong driver, nawala na sa eksena yung taxi, so pinahabol ko talaga kay manong yung taxi with the cross para lang mapicture-an ko! HAHAHA.